Saturday, August 19, 2017

100 Tula Para Kay Stella (Jason Paul Laxamana, Pista ng Pelikulang Pilipino 2017)




POEM # 143
Diretso, kaliwa o kanan
Ano'ng tatahaking lansangan?
Tanong ng bida sa kawalan
O Fidel Lansangan
Right path na ba yan?




     POEM # 333
Stella Puno ang ngalan
Punung-puno ng paandar
Gustong maging star
Nabingwit ni photocopier man


POEM # 1505
Pelikulang tumatabo sa takilya
Ikinatuwa ni Bela
Nawa'y ibang pelikula
Okay din sana 
Yehey! Isisigaw nila



POEM # 2017
Paalala ni Rio Alma
Tangkilikin at ibunyi ng taas noo
Pista ng Pelikulang Filipino
Opo. Filipino po ang tama



POEM # 1024
Mga tulang sinulat
Alay sa rakista
Ready na akong magtapat
Aray! May iba na siyang sinta!


Photo courtesy of 100 Tula Para Kay Stella FB page

No comments:

Post a Comment